KABUTAS

KABUTAS
"Hindi ko lubusang matanggap na nagkaroon ako nang bagsak. First year palang ako + 1st sem palang tapos may bagsak na?? And to think, minor subject yung binaksak ko. Sobrang nasaktan ako nung nalaman kong bagsak ako sa History. So tinake ko sya noong Summer 2015. Magaling yung naging professor ko sa History. Ang bait bait nya at ang dami nyang alam tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Oo medyo maloko yung prof ko pero sinusugurado ko na pagkatapos ng klase may matutunan ka skanya.
* fast forward *
On going na yung pre-final exam namin nun tapos nag che-check sya ng quiz papers namin nung nakaraan. Yung quiz namin na yun eh Essay type. Nagbanggit sya ng tao o kaya yung eksenang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas tapos i-explain mo kung ano nangyari sa event na yun. Aminado akong hindi ako nakapag basa ng libro kaya yung iba kong sagot out of the world..
Tahimik at seryoso kaming lahat habang nagtatake ng exam. Tapos yung prof ko bigla nalang tumawa at sinabi na,
"" HAHAHAHAH alam kong pinapatawa lang ako ng anak kong ito. Siguro alam nyang pagod na ako.. HAHAHAHAH *binasa nya yung sagot ko* ""
"" The Battle of Tirad Pass - many soldiers marched the mountain then they killed each other, bang bang here, bang bang there, bang bang everywhere. Many people died and canyon tanks scattered ""
Jusmiyo "" many soldiers marched the mountain "" palang ang narinig ko eh napatigil na ako sa pagsulat at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hiyang hiya ako sa prof ko. Hanggang sa nagtawanan na yung buong klase so tumawa na rin ako grabe yung tawa ko pigil na pigil tapos napatingin ako sa prof ko eyes to eyes na kami natatawa talaga sya pati ako todo ngiti nalang. Binanggit nya pa ulit yung, "" BANG BANG HERE, BANG BANG THERE, BANG BANG EVERYWHERE. "" Sobrang thankful ako skanya dahil hindi nya binanggit sa klase kung kaninong paper yun. Thank you rin kasi binigyan nya pa ng 1 point yung sagot ko.
PS: Binabati ko yung mga KABUTAS members dyan alam nyo na kung bakit KABUTAS ang title nito HAHAHAH *insert secret handshake* 
"
Bang Bang
2013
IAS
FEU Manila
Next PostMas Bagong Post Previous PostMga Lumang Post Home

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento