MAG-ARAL AY HINDI BIRO.
Yung susukatin mo palang kung gaano ka-kapal 'yung babasahin mo, napapagod ka na. Iniisip mo kung ilang oras na naman ang tulog mo o kung meron pa ba. Pagod na pagod ka sa school pero pag-uwi mo, kakain lang, tapos aral na naman. Antok na antok ka na pero alam mong kapag natulog ka, babagsak ka. Kaya, "Sleep is for the weak" ang motto mo.
Ilang tasa na rin ng kape kada araw ang nauubos mo, gaano na rin kaya kataas ang nerbyos mo? Nakakayamot gumising ng maaga araw-araw, no? Bago ka matulog libro at hand-outs na ang kaharap mo, pati pag gising, sila-sila pa rin ang nakikita mo. Nakakaumay na, no? Yung tipong ayaw mo na ngang gumala eh, yung tipong wala ka nang ibang hiling, ang tanging gusto mo nalang ay ang matulog. Magkaroon ng mahabang-mahabang tulog. Tulog na walang iistorbo sayo. Tulog na peaceful at walang iniisip na, "Ay! Pucha! May re-reviewhin pa pala ako."
Pero go lang nang go. Habang kumakain ka nasa school man o sa bahay, di mo maiwasang hindi mag-basa. Kahit nasa byahe pa, minsan, pati sa banyo habang dumudumi, nag-babasa na rin. Para kang pabebe girl na, "Walang makakapigil sa'kin." Hangga't mayroong oras, mayroong oras para mag-aral, why not? Bakit hindi?
Nakakapagod. Minsan, di maiwasang mapa-pikit habang nagtuturo si Prof sa klase. Minsan, gusto mo nalang tulugan ang lahat. Palaging sabaw lalo na kapag kakatapos lang ng exams. Yung feeling na parang naubos yung utak mo, hinigop ng mga exams mo. Kapag tatawid, wala ng pakialam kung mabubunggo ka, "Pucha, bahala na. Pagod na ako sa mundo" feeling. Nakakapagod, oo.
Pero wala kang karapatang sumuko. Ngayon pa ba, beshie? Sa dami nang pinagdaanan mo, ngayon pa? Walang susuko. WALAAAAA! Immortal tayo! Nag-enroll tayo, ibig sabihin, committed na tayo. Hindi tayo tutulad sa iba na walang isang salita at basta-basta nalang sumusuko. (charot!) Wala nang ayawan 'to.
Eyebags man at tigyawat ang forever sayo, later on, worth-it naman ang resulta ng makapal na eyebags at mga tigyawat mo, lalo na kapag suot mo na ang toga mo.
Trust me, mamimiss mo yan once na grumaduate ka, kaya i-enjoy mo lang.
ALUMNA
2010
IAS
FEU Manila
2010
IAS
FEU Manila